google-site-verification: googlef8cf1d4176b5919a.html
Why i love to ride?

Why i love to ride?

I was 12 years old when I first ride a motorcycle on my own… my heart continuously beating because of the adrenaline flows into my body. That was the day I started to fall in love with motorcycles. naranasan nyo na din ba yung feeling na hindi kumpleto ang araw kapag hindi ka nakakasakay ng motorsiklo, kapag hindi mo nararamdaman yung hampas ng hangin sa balat mo.

Years past after college and working in a real estate company I bought my first motorcycle namasasabi ko na akin talaga, galing sa aking pinagtrabahuhan at akin pinag ipunan. Before I bought motorcycle katakot takot na research muna ang ginawa ko kung ano ba talaga yung motor na bibilhin ko. I considered some things before I decided to buy a motorcycle tulad ng parts and service availability, fuel consumption, riding stability, and so forth.

Hindi ko nga alam na yung 10th ave. pala sa Caloocan ay ang mundo ng mga motorcycle enthusiast. Aksidente lang na napadaan ako sa Rizal Ave then nakatawag ng atensyon ko yung kunpol ng mga tao kaya bumaba ako at nakiusyoso and bang a lot of store ng motorcycle, parts, and accessories ang 10th ave. sa caloocan. then sa akin pagiikot nalaman ko kung saan magandang bumili ng mga parts based sa kung ano ba yung brand ng motor na gusto mo..

At first bibili sana ako ng 2nd hand kawasaki fury 125cc pero that time lumabas yung rouser 135 and upon checking the bike nagustuhan ko naman because of its design and features.. lalo na bibihira pa lang yung naka rouser noon so sabi ko wala pa akong katulad.

Kahit matagal na akong nagmomotor iba pa rin pala yung feeling kapag nagdrive kana sa edsa, medyo maiilang ka lalo na pag tinabihan ka ng mga matutulin na bus na naguunahan makarating sa susunod na station para makapick up ng pasahero. Habang tumatagal nasanay na din ako and mas lalo ko pang naenjoy ang pagmomotor dahil nakadiscover ako ng mga lugar na pwede palang daan as shortcut dito sa metro manila. Sabi nga nila kapag nakamotor ka kahit saang sulok pwede kang makapunta. yung hindi mo nararating at nalalaman mapupuntahan mo.

After several weeks I joined the motorcycle club Rouser Club of the Philippines I am the 350th rider who joined the club. nagulat nga ako ang dami na pala pero yung pala buong Pinas na bilang na hehe so dito sa manila more or less 30 bikers actively meet during bike night.

We went to do a group ride to different places but unfortunately, I never have a chance to blog it because during that time what I want is to ride, until one time I told myself why not document my ride para naman pwede ako akong magshare ng experience sa mga ride at route na aking pinupuntahan.

Kaya dito magsisimula ang kwento ng buhay ko sa pagbyahe sa ibat ibang lugar dito sa pilipinas na pwedeng marating gamit ang motorsiklo.

Samahan nyo akong tuklasin ang mga lugar sa Pilipinas at ibabahagi ko sa inyo ang ganda at kwento nito..

-side trip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: